Kanang Kamay
"Magtimpla tayo ng kape!"
Kahit alam natin na dapat nang idahan-dahan
Pero minamadali ng patapos na semestre
Bakit ipagbabawal ang panandaliang kaluguran?
Kahit alam natin na dapat nang idahan-dahan
Pero minamadali ng patapos na semestre
Bakit ipagbabawal ang panandaliang kaluguran?
Nahanap mo ang saya
kasama ng mga kabataan at pagbabahagi
Mahal ka ng lahat
maliban sa mga mapagkunwari
Malaya ka, pero ginagapos ng mga pilian
Madaming trabaho hindi dahil tamad,
kundi ilan ay walang kakayahan.
Nakaupo kahit hindi karapat-dapat.
Nagkukwento ka sa mga bagay na mababaw
ang rehistro sa akin ay malalim
Naghahanap ng kakampi,
dahil nauna na ang iyong matalik na kaibigan
Pinili ko ang magpahinga
Samantalang sinabi mo ay "kaya pa".
Wala akong narinig.
Ganun pa din naman sa akin ang Disyembre
Aalalahanin ko ang mga ngiti mo
kagaya ng mga puting mumunting bulaklak
na kasama mo sa litratong
ako mismo ang nag-Kodak
Pasensya na kung hindi ako pumunta.
Ayaw kong maging bisita sainyo
dahil hindi mo na din naman ako
masasaluhan sa pagkape
Comments
Post a Comment