Posts

Showing posts from May, 2025

Kanang Kamay

 " Magtimpla tayo ng kape !" Kahit alam natin na dapat nang idahan-dahan Pero minamadali ng patapos na semestre Bakit ipagbabawal ang panandaliang kaluguran? Nahanap mo ang saya kasama ng mga kabataan at pagbabahagi Mahal ka ng lahat maliban sa mga mapagkunwari Malaya ka, pero ginagapos ng mga pilian Madaming trabaho hindi dahil tamad, kundi ilan ay walang kakayahan. Nakaupo kahit hindi karapat-dapat. Nagkukwento ka sa mga bagay na mababaw ang rehistro sa akin ay malalim Naghahanap ng kakampi,  dahil nauna na ang iyong matalik na kaibigan Pinili ko ang magpahinga Samantalang sinabi mo ay "kaya pa". Wala akong narinig. Ganun pa din naman sa akin ang Disyembre Aalalahanin ko ang mga ngiti mo kagaya ng mga puting mumunting bulaklak na kasama mo sa litratong ako mismo ang nag-Kodak Pasensya na kung hindi ako pumunta.  Ayaw kong maging bisita sainyo dahil hindi mo na din naman ako masasaluhan sa pagkape